Pilipinas, tumabo na ng halos 180 medalya sa ika-6 na araw ng SEA Games

Nananatiling nangunguna ang Pilipinas sa mga kompetisyon sa ika-anim na araw ng 30th Southeast Asian Games.

Sa ngayon, tumatabo na ang bansa ng 72-golds, 55-silvers, at 50-bronzes, na may kabuoang 177 medals.

Dito, ay itinanghal na bagong “marathon queen” si Christine Hallasgo na nag-uwi ng gintong medalya matapos maunahan ang kapwa pilipinong si Mary Joy Tabal na nag-uwi ng silver medal.


Ayon kay Hallasgo – nagsasanay lamang siya gamit ang sapatos na nabili mula sa ukay-ukay.

Masaya naman si Tabal dahil nakuha ng bansa ang una at ukalawang pwesto ng kompetisyon.

Sa billiards, nahablot nina Chezka Centeno at Rubilen Amit ang gintong medalya sa women’s 10-ball, habang silver medal naman ang inuwi nina Alvin Barbero at Jeffrey Roda sa snooker.

Sinubukan naman ni billiard legend Efren ‘Bata’ Reyes na makapasok sa semifinals ng carom competition subalit hindi na siya pinagbigyan ng Vietnam.

Ayon kay Reyes – sumagi na rin sa isip niyang magretiro dahil sa mga iniindang sakit sa katawan.

Plano niyang sumailalim sa therapy pagkatapos ng SEA Games.

Sa kabila nito, nag-uwi pa rin si “The Magician” ng bronze medals para sa bansa.

Facebook Comments