Pilipinas, tumanggap ng 2.2 milyong doses ng pediatric COVID-19 vaccines mula Australia

Natanggap na ng Pilipinas ang aabot sa 2,280,000 doses ng pediatric COVID-19 vaccine mula sa pamahalaan ng Australia.

Ayon sa Department of Health (DOH), bahagi ito ng anim na milyong pediatric na Pfizer vaccine na donasyon ng Canberra sa pamamagitan ng UNICEF.

Ito ay upang makapalakas ang pagbabakuna sa mga kabataan sa bansa.


Inaasahan namang makakatanggap pa ng 720,000 doses ng pediatric COVID-19 vaccines ang bansa ngayon linggo.

Maliban sa bakuna ay nagbigay rin ang Australian government ng solar-powered vaccine refrigirators, walk-in cold rooms, personal protective equipment at mga spare parts.

Batay sa datos ng DOH, nasa 9.9 milyong kabataang edad 12 hanggang 17 na ang fully vaccinated laban sa virus habang nasa 4.9 milyong batang edad 5 to 11 ang nabakunahan na rin.

Facebook Comments