PPCRV at NAMFREL, citizens arms na ng COMELEC

62

Accredited na ng Commission on Elections (COMELEC) ang petisyon ng election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) bilang citizens arms sa lahat ng idaraos na plebisito ngayong sa bansa at sa mga susunod pang halalan.

Sa resolusyon na inilabas ng COMELEC, sinabi ni acting Spokesman Rex Laudiangco na inaprubahan ng poll body ang magkahiwalay na petisyon ng PPCRV at NAMFREL para tumulong at umasiste sa Maguindanao plebiscite ngayong araw at sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Disyembre.

Layon din aniya nito na matiyak ang malinis at may kredibilidad na halalan.


Nabatid na ito ang unang pagkakataon na inaprubahan ng COMELEC ang petition for accreditation of citizens arms.

Tatagal ang accreditation hanggang May 2025 elections.

Facebook Comments