Pilipinas, umakyat sa ika-48 na pwesto sa kalidad ng digital na pamumuhay ng mga tao ayon sa isang cybersecurity firm

Umakyat sa ika-48 na puwesto ang Pilipinas mula sa 110 na bansa pagdating sa kalidad ng digital na pamumuhay ng mga tao ayon sa isang cybersecurity firm.

Batay sa Surfshark, tumaas ng 18 na spot ang bansa mula sa ika-66 na rank nito noong nakaraang taon.

Paliwanag ni Surfshark Chief Executive Officer (CEO) Vytautas Kaziukonis, ang pinakahuling ranking ay sumasalamin sa digital landscape na ginawa sa gitna ng pandaigdigang krisis sa kalusugan dulot ng COVID-19 pandemic.


Aniya, umunlad kasi ang oportunidad sa digital habang nasa krisis ng COVID-19.

Nanguna naman sa posisyon ang Denmark na sinundan ng South Korea, Finland, Israel at Estados Unidos.

Nabatid na limang factors ang pinagbasehan ng ranking ng bansa kabilang ang:
• ika-72 na puwesto sa internet affordability
• ika-20 sa internet quality
• ika-30 sa electronic security
• ika-63 sa electronic infrastructure
• ika-67 sa electronic government

Facebook Comments