Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagprotesta ng Pilipinas laban sa unilateral, four-month-long fishing moratorium ng China sa ilang bahagi ng South China Sea.
Ito ay lalo na’t tatagal ang naturang fishing ban hanggang September 16,2024.
Sa diplomatic note ng DFA, iginiit nito na ang Pilipinas ay may sovereign rights at jurisdiction sa Philippine Maritime Zones.
Ito ay batay sa Paragraph 716 ng final at binding ng 2016 Arbitral Award on the South China Sea.
Ang naturang fisihing ban ay labag din anila sa Article 56 ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Nagbabala rin ang Pilipinas na ang unilateral na pagpapatupad ng Tsina ng fishing moratorium ay magdudulot ng tensyon sa West Philippine Sea at South China Sea
Nanawagan din ang Pilipinas sa China na iwasan ang mga aksyon na lumalabag sa mga karapatan ng bansa