Umangat ang pwesto ng Pilipinas sa COVID-19 recovery ranking ng Nikkei Asia ng Tokyo.
Mula sa ika-103 na pwesto noong Oktubre, nasa ika-57 na ngayon ang Pilipinas kasama ang Tajikistan, Norway at Malaysia.
Nasa ika-121 pwesto naman ang Pilipinas noong Setyembre, ika-106 noong Agosto at ika-108 noong Hulyo.
Base sa Nikkei, ang pagtaas ng Pilipinas ay dahil sa “significant increase in its infection management scores” o ang naging magandang pamamahala sa bansa.
Gayunman, sinabi ng Nikkei na kahit na bumaba ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nananatili sa siyam na porsyento ang fatality rate nito na ikalawa sa pinakamataas sa mundo batay sa Our World in Data.
Nanguna naman ang Bahrain sa recovery ranking na may 73, puntos; sinundan ng Kuwait na may 72 point; United Arab Emirates na may 70.5; Malta at Taiwan na may 69; China na may 68.5 puntos; Chile, Japan at Saudi Arabia na may 68 puntos; at Uruguay na may 66 puntos.
Nasa dulong pwesto naman ang Laos na may 22.5 puntos.