Pilipinas, umutang ng tatlong bilyong piso sa South Korea

Umutang ang Pilipinas sa South Korea ng tatlong bilyong piso para sa imprastruktura at “green” projects sa bansa.

Mismong sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Korean Ambassador to the Philippines Kim In-Chul ang lumagda sa kasunduan na may temang “Framework arrangement concerning loans from the economic development cooperation fund” o (EDCF) mula 2022 hanggang 2026.

Kasunod nito, lubos naman na nagpapasalamat si Manalo sa South Korea at asahan na magiging mabunga ang pakikipag-ugnayan ng bansa para sa mabilis, matatag, malaki at patuloy na kontribusyon ng Korea sa sosyo-ekonomikong pag-unlad sa Pilipinas.


Ang South Korea ang ika-anim na pinakamalaking official development assistance (OODA) source ng Pilipinas noong 2021.

Facebook Comments