Pilipinas, wagi sa 5-0 sweep kontra Indonesia sa FIBA Esports Open 2020

51

Nagwagi ang Pilipinas kontra Indonesia sa FIBA Esports Open 2020.

Ito ay matapos makakuha ang pambato ng Pilipinas ng score na 71-35 para maganap ang 5-0 sweep kontra sa Indonesia.

Binati naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio ang koponan ng Philippine Esports sa pangunguna ni Custer “Aguila” Galas.


Una nang nanalo ang E-Gilas sa unang araw ng FIBA Esports Open 2020 kung saan nakakuha ng 56-29 ang E-Gilas sa unang laro habang 64-30 naman sa ikalawang laro.

Facebook Comments