Nananatiling 2019 novel coronavirus free ang Pilipinas
Ayon kay Department Health Secretary Francisco Duque III, wala pang kumpirmadong kaso ng sakit sa bansa.
Pero 24 dayuhan aniya ang nananatiling persons under investigations (p-u-i) matapos makitaan ng sintomas ng n-co-v.
Habang nauna nang nakalabas sa ospital ang tatlong dayuhan na nagnegatibo sa nasabaing sakit.
Aniya, naitala ang pui’s sa Metro Manila, Western Visayas, Central Visayas, MIMAROPA, Eastern Visayas at Northern Mindanao.
Nilinaw naman ni World Health Organization (WHO) Country Representative Rabindra Abeyasinghe, na ang mga ulat na hindi ibinibigay ng Chinese authority ang tamang bilang ng kaso ng n-cov na umabot na sa 4,515 kung saan 106 rito ang nasawi.
Ang nasabing virus ay umabot na rin sa Japan, Korea, Vietnam, Singapore, Australia, Malaysia, Thailand, Nepal, US, Canada, at France.