Amerika at Japan, handa na ring ilikas ang kanilang mamamayan sa China

125

Handa na ang Amerika at Japan na ilikas ang kanilang mamamayan na nasa Wuhan City.

 

Susunduin ng Amerika ang mahigit 200 mamamayan nito kabilang ang ilang diplomats sa chartered flight bukas, Enero 29, sa Tianhe International Airport at lalapag sa Ontario, California.


 

Pagtitiyak ng U.S. State Department, bago pa man umalis sa Wuhan ang eroplano ay isasailalim na sa screening process ang mga pasahero.

 

Kasabay nito, ipinag-utos na rin ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang paglilikas sa 430 Japanese nationals sa Wuhan City at isasakay din sa chartered flight.

Facebook Comments