
Hindi kailangang mangutang ng Pilipinas sa ibang bansa para tugunan ang epekto ng krisis sa Middle East.
Ayon kay Palace Press Officer at Communications Usec. Claire Castro, sapat pa ang pondo ng pamahalaan para ipagpatuloy ang mga hakbang na tutulong sa mga sektor na posibleng maapektuhan ng sitwasyon.
Batay rin aniya sa pahayag ng Department of Finance, wala sa plano ng gobyerno ang mangutang sa international lending institutions para sa karagdagang pondo.
Samantala, kinumpirma ni Castro na may hiwalay na pondo ring inilaan ang pamahaalan para sa kampanya ng Pilipinas sa UN non-permanent seat, na kukuhain sa 2026 nation budget,
Facebook Comments










