Pilot dry-run sa mga Learning Options ng mga Mag-aaral, Nagpapatuloy

Cauayan City, Isabela- Sinimulan na ng pamunuan ng Cauayan City National High School ang pag-iimprenta ng mga gagamiting self-learning module ng mga mag-aaral sa nalalapit na pagbubukas ng pasukan sa susunod na buwan.

Ayon kay Principal Primitivo Gorospe, patuloy ang kanilang ginagawang pilot dry run para masiguro kung may mga dapat pa bang idagdag sa mga aralin gayundin ang kahandaan ng mga mag-aaral para dito.

Maliban dito, handa na ang iba pang pagpipilian ng mga mag-aaral sa mode of learning nila gaya ng radio-based instructions maging ang tv-based instructions (teleradyo)lesson maging ang internet based sa pamamagitan ng online at offline para sa mga estudyante.


Inaasahan din ang pagsisimula ng online pilot testing para tiyakin kung magiging maganda ang magiging resulta nito o magkakaroon ng problema ngayong hirap din ang ilan sa usapin ng internet connection.

Samantala, hindi rin maitatanggi ang malaking porsyento ng mga pabor sa posibleng face-to-face learning na nakasanayan na ng mga mag-aaral.

Una nang iginiit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-5 State of the Nation Address na hindi niya papayagan ang pagsasagawa ng face-to-face classes habang wala pang vaccine laban sa COVID-19.

Facebook Comments