Pilot face-to-face classes, magsisimula na sa Nobyembre 15 – DepEd

Magsisimula na sa Nobyembre 15 ang pilot face-to-face classes para sa mga lugar na wala o may mababang kaso ng COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education.

Ayon kay Malaluan, isasabay nila ang pilot face-to-face classes sa simula ng Academic Quarter 2 at target matapos sa katapusan ng Enero sa susunod na taon.


Kasunod nito, sinabi ni Malaluan na sasailalim pa ito sa evaluation kung naging maayos at matagumpay ang implementasyon bago isumite kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa posibleng pagpapalawig pa nito sa Marso.

Matatandaang nitong Setyembre nang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pagdaraos ng face-to-face classes kung saan nasa 100 public schools at 20 private schools na ang lalahok sa pilot test.

Facebook Comments