Pilot implementation ng face-to-face classes, naging maayos – DepEd

Inihayag ng Department of Education na naging maayos ang pagsisimula ng pilot implementation ng limited face-to-face classes ngayong araw.

Ayon kay DepEd Director for Planning Service Roger Masapol, walang naitalang aberya sa mga paaralan na lumahok sa pagbabalik ng in-person learning.

Aniya, mahigpit na ipanapatupad sa mga paaralan ang health protocols kung saan nasa 12 estudyante lamang ang pinayagan sa bawat klase.


Bukod dito, mayroon din aniyang sapat na supply ng face masks at alcohol ang mga eskelahan at tanging mga fully vaccinated na guro lamang ang pinapayagang makapagturo.

Facebook Comments