Plano ngayon ng Department of Education (DepEd) na tapusin na ngayong buwan ng Disyembre ang pilot testing ng face-to-face classes upang bigyan daan ang assessment kung palalawigin pa ang implementasyon nito.
Ito ang naging pahayag ni Education Secretary Leonor Briones sa ginanap na Bayanihan, Bakunahan Culmination Activity sa SM Mega Mall sa Mandaluyong city.
Ayon kay Secretary Briones, 165 na mga paaralan ang lumahok sa limited face-to-face classes kung saan 28 dito ay nasa National Capital Region (NCR).
Kaya naman hinikayat ng kalihim ang mga magulang na kumbinsihin ang kanilang mga anak na magpabakuna na.
Giit ni Briones, hindi lamang ang mga mag-aaral ang dapat na maprotektahan sa vitus kundi maging ang mga magulang.
Facebook Comments