Pilot ng face-to-face classes, kumpas lang ni Pang. Duterte ang hinihintay

“Go signal” na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay at nakahanda ang Department of Education (DepEd) na ilunsad ang pilot implementation ng face-to-face classes.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na handa ang kagawaran saka-sakaling ipag-utos na ito ni Pangulong Duterte.

Ani Briones, nasa 100 mga pampublikong paaralan at 20 pribadong paaralan ang napiling pagdausan ng pilot testing ng face-to-face classes.


Paliwanag pa nito, prayoridad na isalang sa pilot test ng face-to-face classes ay ang mga nasa kindergarten at grades 1 to 3, dahil base na rin sa payo ng mga eksperto, kailangang ma-develop ang pakikipagkapwa tao ng mga ito gayundin ang kanilang “study habits” at “good manners and right conduct.”

Facebook Comments