Aarangkada na bukas sa Makati City ang pilot pooled testing sa bansa.
Kasunod ito ng pag-apruba at pagsunod sa mga kinakailangang requirements ng Philippine Society of Pathologist.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pooled testing ay gagamitin lamang ng isang test kit sa kada lima hanggang 10 taong kukuhanan ng specimen o samples.
Kapag lumabas na negatibo ang resulta nito, ibig sabihin, negatibo sa infection ang lahat ng lima o sampung tao na kinuhanan ng specimen.
Pero kapag nag-positibo ang resulta, hahatiin ang bilang ng mga indibidwal na kinuhanan ng samples para muli itong isalang sa test, hanggang matukoy kung sino sa kanila ang talagang positive sa virus.
Ang paggamit ng pooled testing ay layong mapataas pa ang testing capacity ng bansa o mas maraming mai-test sa kaunting test kit lang na magagamit.