Pilot testing ng Motorcycle Taxis, aarangkada ngayong araw

Nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga motorcycle taxi operations sa bagong guidelines kasabay ng muling pagpapatuloy ng pilot testing sa kanilang serbisyo ngayong araw.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary Godess Hope Libiran, nakasaad sa inaprubahang panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IAT-EID), kailangang sumunod ang mga operators para sila ay payagang pumasada.

Kabilang na rito ang pagsasailalim ng mga riders ng swab test, pagkakabit ng barriers at pagpapatupad ng cashless transactions.


Ang mga pasahero ay kailangang magdala ng sarili nilang helmet dahil ipatutupad din ang bring your own helmet policy.

Sakop nito ang mga motorcycle hailing services na Angkas, Move It at JoyRide.

Ang pagbabalik ng motorcycle taxi operations ay extension ng initial pilot run para sa posibleng pagsasalegal ng serbisyo.

Facebook Comments