Pilot-testing ng Pasig Pass, isasagawa na sa susunod na linggo

Isasagawa sa susunod na linggo ng lokal na pamahalaan ng Pasig ang pilot-testing ng paggamit ng Pasig Pass.

Ang Pasig Pass ay bagong contact tracing system na unang susubukan sa City Hall.

Layunin ng nasabing pass na paigtingin ang contact-tracing efforts ng pamahalaan sa gitna ng pandemya.


Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, aabot na sa 40,000 na mga residente ang nag-download ng Quick Response (QR) code para sa Pasig Pass.

Tiniyak ng alkalde na ang mga datos na makokolekta sa makabagong paraan ng contact tracing system ay ligtas at tumutugon sa Data Privacy Act.

Facebook Comments