Muling pina-aaresto ang dating presidente sa peru na si Alberto Fujimori.
Ito ay makaraang ipawalang bisa ng peruvian court ang ipinagkaloob na pardon sa kaniya sa kinakaharap na kasong crimes against humanity.
Si Fujimori ay napagkalooban ng pardon noong nakaraang Disyembre matapos makulong sa loob ng 12 taon.
Sa naging desisyon noon ng korte, hinatulan siyang mabilanggo ng 25 taon dahil sa mga utos niyang pagpatay sa pagitan ng taong 1991 hanggang 1992.
Pero matapos mapardon, nagprotesta ang kaanak ng mga biktima at hiniling sa inter-american court na maibalik siya sa kulungan.
Sa ngayon ay nasa hindi magandang kondisyon ng kalusugan ni Fujimori.
Facebook Comments