PINAAARESTO | Dating first lady Imelda Marcos, hiniling ng isang kongresista na arestuhin na agad

Manila, Philippines – Hiniling ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na arestuhin ngayon din si dating first Lady at Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos matapos mahatulang guilty sa pitong bilang ng kasong graft kaugnay sa pagbuo nito ng mga private organizations sa Switzerland para mapangalagaan ang mga Swiss accounts habang ito ay humahawak ng posisyon sa gobyerno mula 1978 hanggang 1984.

Giit ni Zarate, welcome para sa kanila ang desisyon ng Korte laban sa dating unang ginang.

Hirit ng mambabatas sa PNP, huwag nang patagalin at arestuhin na ngayon si Marcos dahil matagal na panahon ng naghihintay ang kulungan sa dating first lady at sa mga cronies


Pinatotohanan lamang ng hatol ng korte na totoong nagnakaw sa kaban ng bayan ang mga Marcos taliwas sa ginagawang pagtanggi ng mga ito.

Bagamat marami aniya ang masaya sa pasya ng korte, mas mainam aniya kung kusang ibabalik na rin ng Pamilyang Marcos sa bayan ang kanilang mga ninakaw na yaman.

Samantala, binibigyan pa ng 30days ng Sandiganbayan si Marcos para magpaliwanag sa hindi nito pagsipot kanina sa pagbasa ng sakdal sa kanyang kaso.

Facebook Comments