PINAALAlAHANAN | CJ Bersamin, nagpa-alala sa court employees sa paggamit ng personal social media sa oras ng trabaho

Manila, Philippines – Pina-alalahanan ni Chief Justice Lucas Bersamin ang lahat ng court employees na isang pandaraya sa taongbayan o sa taxpayers ang pag-facebook sa oras ng trabaho.

Ayon kay Bersamin, ang bawat minuto ng paggamit ng Facebook o paggamit ng cellphone sa opisyal na oras ay minutong nababawas sa oras na dapat ginugugol sa pagtupad ng tungkulin.

Pina-alala rin ng punong mahistrado sa court employees na ang kanilang ginagawa, maliit man o malaki, ay may epekto sa kalidad ng kanilng paninilbihan sa taongbayan.


Una ng pinatupad ng Chief Justice ang dress code at regulasyon sa paggamit ng cellphone sa lahat ng court employees sa bansa.

Facebook Comments