Kinalampag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippine (DBP) para sa tunay nilang mandato.
Ayon kay ni Presidential Spokesman Harry Roque, nais ng Pangulo na ibalik ng Landbank at DBP ang kanilang orihinal na mission at vision.
Ito ay ang pagiging madaling lapitan ng mga mahihirap at maliliit na mga magsasaka para makautang.
Aniya, pinaalalahanan ng Pangulo ang dalawang bangko na sila dapat ang maging takbuhan ng mga maliliit na magsasaka.
Naging mahirap aniya para sa mga maliliit na mga magsasaka na makapag-apply ng loan rito dahil sa dami ng hinihinging requirements.
Sabi ni Roque, inutusan ng Pangulo ang Landbank at DBP na magbigay ng loan sa mga magsasaka sa mabilis na panahon na wala ng mahabang listahan ng requirements.