PINAALALAHANAN | Online shoppers, pinag-iingat

Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na madalas mag-online shopping.

Ayon kay DTI Undersecretary Teodoro Pascua – dahil sa teknolohiya nagiging madali na ang pagbili at pagbenta ng mga gamit online.

Pero dapat aniya maging mapagbantay sa mga ginagawang transaksyon online.


Para sa kaligtasan ng mga online shoppers, ugaliing tingnan sa website kung mayroon itong Secured Socket Layer o SSL certificate.

Ang SSL ang nagpo-protekta ng impormasyon ng customer partikular ngk anilang credit card number, address at password.
Nagbabala rin ang DTI sa mga ‘phishing websites’ o yung mga pekeng websites na humihingi ng mga personal documents kabilang ang DTI o BIR registration, business permit at FDA license.

Pinapayuhan din ang mga consumers na mag-‘cash on delivery’ bilang mode of payment.

Samantala, nagbabala rin ang DTI sa mga naglipanang pekeng sales, promo at scam sa text, social media at print.

Facebook Comments