Manila, Philippines – Pinaalalahanan ni Senador Panfilo Ping Lacson ang Philippine National Police o ( PNP) na tungkulin nito na ipatupad ang lahat ng batas kasama ang pagbabawal sa ilegal gambling.
Babala pa ni Lacson sa mga otoridad huwag sundin ang anumang utos na kontra sa mga umiiral na batas sa bansa dahil hindi nila ito magagamit na depensa sa korte.
Pahayag ito ani Lacson makaraang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte pabayaan na lang ang operasyon ng jueting hangga’t walang nailalatag ang gobyerno na programa para sa mga mahihirap na nakikinabang dito.
Sa tingin ni Lacson, ibig lang bigyang-diin ni Pangulong Duterte ang pagprayoridad sa kampanya laban sa ilegal na droga pero hindi nangangahulugan na papayagan na nitong baliin ang batas laban sa ilegal na sugal.
Dagdag pa ni Lacson, ugat din ng korapsyon para sa mga law enforcement agencies ang operasyon ng jueteng.