FIFA | France, positibo sa tapatan nila ng Argentina sa FIFA World Cup 2018

Russia – Positibo ang kupunan ng France na sila ang magwawagi sa tapatan nila ng Argentita mamayang gabi para sa FIFA World Cup 2018 na ginaganap ngayon sa Kazan, Russia.

Ayon sa France player na si Didier Deschamps, panibagong kompetisyon ang haharapan nila matapos makatungtong sa round 16 games, dahil sa direct elimination.

Aniya, dahil naabot na nila ang kinalalagyan nilang pwesto ngayon, naka-focus naman sila na mapagtagumpayan pa ang susunod na round.


Sa panig naman ng Argentina, kumpiyansa sila sa kakayahan ng kanilang kupunan, lalo at five time world player na ang kanilang grupo.
Ang tapatang France at Argentina ay gaganapin mamayang alas siyete ng gabi, oras dito sa Pilipinas.

Facebook Comments