Manila, Philippines – Naglabas ang Office of the Undersecretary for New Media and External Affairs ng Presidential Communications Operations Office o PCOO ng isang memorandum na nagpapaalala sa mga tauhan ng PCOO ng kanilang responsibilidad bilang mga public servants.
Sa Memo na nilagdaan ni Undersecretary Loraine Badoy na tumatayo ding Chairperson ng Gender and Development Focal Point System ng PCOO ay ipinaalala nito sa mga empleyado ng PCOO ang mga nakasaad sa Republic Act number 6731 na nagsasabi na dapat makitaaan ang lahat ng empleyado ng Pamahalaan ng mataas na antas ng propesyonalismo.
Batay din sa nasabing batas na bilang isang public servant ay hindi dapat magkaroon ng maling impresyon na sila ang nagpapakalat ng maling gawain o hindi mga nagiging magandang halimbawa.
Binigyang diin ni Badoy na napakahalaga ng kanilang papel sa public opinion kaya dapat ay maging responsible ang lahat sa anoang inilalabas sa social media personal man ito o opisyal at maging maingat sa anomang ipinalalabas lalo na kung ito ay may kinalaman sa kababaihan.
Matatandaan na nasabak nanaman sa kontrobersiya ang PCOO ilang linggo na ang nakalipas matapos kumalat ang Federalism Video na inilabas ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson kasama ang isang Blogger na umani ng matinding batikos mula sa ibat-ibang sector.