PINAALIS | 4 na basketball player ng Japan, pinalayas mula sa Asian Games

Apat na basketball player ng Japanese Men’s National Team ang pinalayas ng Japanese Olympic Committee o JOC mula sa 2018 Jakarta-Palembang, Indonesia.

Ang dahilan: nakita kasi ang apat na player sa red light district ng Jakarta na suot pa ng mga ito ang kanilang mga national jersey noong nakaraang Linggo.

Ayon kay Japan chef de mission Yasuhiro Yamashita isang malaking kahihiyan ang ginawa ng mga player na kumuha ng mga prostitute.


Dahil dito humingi na rin ng paumanhin si Japanese basketball chief Yuko Mitsuya.

Agad namang pinauwi sina Yuya Nagayoshi, Takuya Hashimoto, Takuma Sato at Kieta Imamura.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagdulot ng malaking kahihiyan ang ilang atleta ng Japan sa Asiad.

Noong 2014 Incheon Asian Games sa South Korea, nahuli si Japanese swimmer Naoya Tomita na nagnakaw ng camera ng isang miyembro ng media nagcocover ng Asiad.

Facebook Comments