Manila, Philippines – Nagprotesta sa harapan ng Manila City Hall ang mga Hepa Lane vendor sa Maynila.
Bitbit ang mga plakards, ipino-protesta ng mga vendor na ibalik sila kanilang mga puwesto sa University Belt sa Morayta.
Ayon kay Ricky Esponilla, tagapagsalita ng Morayta at R. Papa Vendors Association hindi makatwiran na basta na lang sila paalisin sa lugar dahil sa kawalan na permit na ayaw din namang ibigay ng munisipyo.
Sa halip na palayasin, dapat aniya ay tinutulungan sila ng lokal na pamahalaan na paunlarin ang kanilang pagtitinda.
Kung hindi papakinggan, tuloy-tuloy umano ang gagawin nilang pangangalampag kay Mayor Joseph Estrada.
Facebook Comments