WAR ON DRUGS | 5 drug suspects, timbog sa buy-bust sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang limang drug suspects sa buy bust operation sa Barangay Bagong Pag-Asa, Quezon City.

Kinilala ang mga naaresto sina Pearl Joy Orde, Bambam Polgo, Noemy Uy, Alren Jumawan at Arvic Echino.

Ayon sa Drug Enforcement Unit ng QCDP Station 2, matagal na nilang isinailalim sa Surveillance Operation ang mga suspek dahil sa pagbebenta nila ng droga sa lugar.


Nakuha naman sa loob ng bahay ang walong pirasong sachet ng shabu at isang kalibre 38 baril na kargada ng anim na bala.

Napag-alaman din na wanted na pala sa kasong double murder si Jumawan dahil sa pagpatay kina Rodel Palana at Joven Poblete.

Facebook Comments