Ayon sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, iniulat ng isang concerned citizen sa mga otoridad na mayroong isinasagawang water logging activities sa Abuan River na sakop ng nabanggit na lugar.
Kaagad nagsagawa ng anti-illegal logging operations ang 201st Maneuver Company na pinamumunuan ni PCapt Christian Arc Caoile at Community Environment and Natural Resources Office Naguilian na nagresulta ng pagkakasamsam ng mga undocumented forest products.
Habang isinasagawa ang onsite investigation, walang nag-deklara na nagmamay-ari sa mga kahoy na may kabuuang 2.56 cubic meters hardwood round logs na Red Lauan at Tanguile kaya’t agad kinumpiska ang mga ito.
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng CENRO Naguilian ang mga iligal na pinutol na punong-kahoy habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ukol sa insidente.