PINAASA? | Publiko, pinasakay lang sa ENDO; Pangulong Duterte, hindi marunong tumupad sa pangako – MAKABAYAN Bloc

Manila, Philippines Dismayadong-dismayado ang mga kongresista mula sa MAKABAYAN Bloc dahil sa hindi na pag-i-isyu ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order para tapusin na ang ENDO sa bansa.

Giit ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, pinasakay at pinaasa lang ng Malacanang ang mga manggagawa mula sa pribado at pampublikong sector na wawakasan na ang ENDO.

Hindi na aniya siya nagulat dahil numero unong ENDO employer sa bansa ang gobyerno kung saan batay sa inventory ng Government Human Resources, as of July 1, 2016, mayroong 721,282 contract of services, job orders, casual at contractual workers ang pamahalaan mula sa kabuuang 2.3 Million na mga empleyado.


Sinabi naman ni Kabataan Rep. Sarah Elago na sa ilalim ng Duterte administration, asahan na walang “end” sa ENDO.

Dagdag pa ni Elago, malaking pasanin ito sa mga manggagawa at sa mga bagong graduates na naghahanap ng trabaho.

Patunay lamang nito na ang gobyerno ay walang malasakit sa karapatan ng mga manggagawa at mas pinapaburan ang mga investors at mga kapitalista na umaabuso sa mga maliliit na manggagawa.

Facebook Comments