PINABABAGO | Suplay ng modernong jeepney, sa mga Pilipino na lang ibigay

Manila, Philippines – Pinapabago ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe sa Department of Transportation ang latag ng jeepney modernization program.

Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Transportation, partikular na pinaparebisa ni Batocabe ang aspeto ng pagsu-supply at kung saan kukunin ang makabagong jeep na bibilhin para sa mga operators.

Tinukoy ni Batocabe na sa kasalukuyang programa, sa China pa manggagaling ang modernong jeepney na gagamitin sa bansa at dito ilalaan ang 80,000 equity ng gobyerno sa bawat operators na gagamitin naman sa downpayment ng jeepney.


Inirekomenda ng kongresista na gawing lokal ang supplier ng modern jeepney sa halip na sa China para mabuhay naman ang lokal na industriya dito.

Makakatulong pa aniya ito sa mga Pilipino dahil sa malilikhang trabaho at pagpapalakas sa industriya ng mga modernong jeepney sa bansa.

Mas mainam aniya na kapwa Pilipino din ang makikinabang sa nasabing program at hindi mga dayuhan na kumikita sa sariling programa ng pamahalaan.

Facebook Comments