PINABABALIK | Labor attache ng Pilipinas sa Hong Kong, pinauuwi ng DOLE

Manila, Philippines – Pinababalik ng Department of labor and Employment (DOLE) sa Pilipinas ang labor attache ng Pilipinas sa Hong Kong.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagrecall kay Jalilo Dela Torre ay base sa isang reklamo na kanyang pinaimbestigahan.

Sa facebook post ni Dela Torre, sinabi nito na ang “human trafficker” sa Turkey ang nakinabang sa kaniyang recall.


Kilala si Dela Torre sa kampanya nito laban sa human traffickers at unscrupulous employment agencies.

Umapela naman si Blas F. Ople center head Susan ‘Toots’ Ople na bigyan ng pagkakataon na tapusin ni Dela Torre ang kaniyang paninilbihan bilang attache.

Bukas naman sa dayalogo si Secretary Bello.

Facebook Comments