Manila, Philippines – Pinababaliktad ng pamilya Veloso sa Korte Suprema ang desisyon ng Court of Appeals sa kanilang apela na makunan ng testimonya si Mary Jane Veloso laban sa kanyang mga recruiter dito sa Pilipinas.
Hiniling din nila ang SC na pigilan muna ang Regional Trial Court branch 88 sa Santo Domingo, Nueva Ecija ang pagdinig sa kasong isinampa laban sa mga recutier ni Mary Jane hanggat hindi nakukuha ang kanyang testimonya sa kulungan sa Indonesia.
August 2016 nang magdesisyon ang Nueva Ecija Regional Trial Court na kunin ang testimonya ni Mary Jane subalit hinarang ito ng kampo nina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao , recruiter ni Mary Jane sa Pilipinas.
Abril noong 2010 nang hulihin sa Indonesia si Mary Jane veloso ng 2.6 kilos ng heroin na nakasilid sa bagahe na pinadala sa kanya mula sa Malaysia na naging dahilan kung bakit siya nahatulan ng parusang kamatayan.