Manila, Philippines – Pinababaliktad ni Australian Missionary Patricia Fox ang pasya ng Bureau of Immigration sa kanyang hiling na palawigin ang kanyang missionary visa.
Sa kanyang motion for reconsideration, sinabi ng kampo ng madre na inindorso pa ng Catholic Bishops conference of the Philippines o CBCP ang extension ng missionary visa niya kaya walang katotohanan ang alegasyon na matagal ng napaso ang missionary visa ng Australian missionary.
Ipinunto rin ng kampo ni sister Fox ang naging pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi basehan ang apela sa kanyang deportation ang pagpapalawig sa Missionary Visa nito.
Magugunitang napaso na ang missionary visa ni sister fox noong Setyembre 5 kaya naghain sya ng extension habang naka-apela sa DOJ ang pagpapadeport sa kanya.