Pinababang si Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves, nagpaubaya na kay Governor Roel Degamo ayon sa DILG

Humupa na ang tensyon sa provincial capitol ng Negros Oriental.

Ito’y matapos na kusa nang nilisan ni unseated Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves ang pwesto at magbigay daan kay Governor Roel De Gamo.

Nagpasalamat naman si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary ‘Benhur’ Abalos Jr., kay Teves sa naging pagkilala nito sa inilabas na writ of execution ng Comelec En Banc noong Sept. 27 makaraang maging nuisance candidate ang isa pang katunggali na si Ruel Degamo na kapangalan ng incumbent Governor na si Degamo.


Pinuri naman ni Abalos si Leocadio Trovela, direktor ng DILG sa maayos na paglipat ng kapangyarihan mula kay Teves patungo kay Degamo.

Ani Abalos, ngayong natapos na ang tensyon sa Negros Oriental, panahon na para sa mga taga-suporta ng magkabilang panig na isantabi ang kanilang hidwaan.

Panahon na rin aniya upang sama-samang kumilos ang lahat para gumulong ang paghahatid ng serbisyo publiko sa lalawigan na naapektuhan.

Facebook Comments