Pagbabakuna kontra COVID sa mga batang may edad 4 pababa, pinag-aaralan na rin ng DOH

Balak na rin ng Department of Health (DOH) na bakunahan kontra COVID-19 ang mga batang nasa edad 4 pababa.

Layon nito na maprotektahan na rin sila laban sa infection.

Bagama’t bumababa na ang positivity rate ng infection sa Metro Manila, tumataas pa rin ang kaso ng COVID-19 sa mga karatig na lugar ng National Capital Region (NCR).


Una na ring kinumpirma ng OCTA Research Group na bumaba na sa 17.3% ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Ito ay mula sa 19% na positivity rate noong October 3.

Facebook Comments