PINABABANTAYAN | Mga grupo na nagsasagawa ng rally pinag-iingat ng PNP sa mga manggugulong miyembro ng CPP NPA

Manila, Philippines – Pinababantayan ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa mga lider ng grupo na nagsasagawa ng kilos protesta ang kanilang mga kasamahan upang hindi mahaluan ng mga miyembro ng New Peoples Army.

Ayon kay Albayalde naniniwala syang gagawa ng paraan ang mga makakaliwang grupo para makapanggulo at ang pangamba nila ay humalo ito sa mga nagsasagawa ng kilos protesta.

Kapag nagkagulo aniya tiyak na reresponde ang mga pulis at posibleng lumala ang sitwasyon.


Sakali namang aniyang may mamataan silang mga miyembro ng NPA na kasama sa rally at ito ay may kinakaharap na warrant of arrest aarestuhin nila ito sa maayos na paraan kung hindi naman nanggugulo.

Sa ngayon aniya ay nakadeploy pa rin ang kanilang mahigit apat na libong pulis upang tiyaking magiging payapa ang mga kilos protesta.

Hanggang mamayang alas nwebe ng gabi pa aniya nila inaasahang matatapos ang mga kilos protesta.

Facebook Comments