PINABABANTAYAN | Presyo ng school supplies, mahigpit na pinamomonitor ni Sen. Binay sa LGUs at DTI

Manila, Philippines – Pinakikilos ni Senator Nancy Binay ang mga Local Govenment Units o LGUs para tulungan ang Department of Trade and Industry o DTI na bantayan ng mahigpit ang presyo ng mga school supplies.

Layunin ni Senator Binay na hadlangan ang mga mananamantala sa pagbubukas ng klase ngayong araw sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Senator Binay, marami ngayon ang nagkukumahog na mamili ng kumpletong gamit para sa eskwelahan.


Ang hakbang ni Senator Binay ay kasunod din ng report ng DTI na may ilang gamit sa para sa pagaaral ang tumaas ang presyo.

Giit ni Senator Binay, dapat masunod ang inilabas ng DTI na Suggested Retail Prices o SRP ng mga school supplies tulad ng notebook, pad paper, pencil, ball pen, crayon, eraser, sharpener, ruler at iba pa.

Facebook Comments