PINABABAWI | Mahigit 120 bansa, sumuporta sa resolusyong nagpapabawi sa pagkilala sa Jerusalem bilang capital ng Israel

Amerika – Mahigit 120 bansa ang sumuporta sa resolusyon ng United Nations General Assembly na nananawagan sa Estados Unidos na bawiin ang pagkilala sa Jerusalem bilang capital ng Israel.

Sinasabing nagkaroon ng “impact” sa botohan ang naging banta ni US President Donald Trump na kanilang tatanggalin ang ugnayan nila sa mga bansang papabor sa UN General Assembly Resolution.

Tinawag naman ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ang resolusyon na walang kwenta dahil nananatili pa rin ang Jerusalem na kanilang capital.


Ang mga bansang nag-abstain sa botohan ay ang Australia, Canada, Argentina, Mexico, Colombia, Czech Republic, Hungary, Poland, Pilipinas, Rwanda, Uganda at South Sudan.

Habang ang mga bumoto ng “NO” at pumanig sa US ay ang Honduras, Guatemala, Marshall Islands, Micronesia, Palau, Nauru at Togo.

Manila, Philippines – Muling tiniyak ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na walang magiging epekto sa operasyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagkakasuspinde sa apat nitong Commissioners.

Sa interview ng RMN kay Roque, sinabi nitong hindi naman suspendido ang Chairman ng ERC kaya hindi malulumpo ang araw-araw na trabaho nito.

Matatandaang inireklamo sina Gloria Victoria Yap-Taruc; Alfredo Non; Josefina Patricia Magpale-Asirit At Geronimo Sta. Ana matapos silang pumayag na hindi na magsagawa ng bidding ang power distributor para makapamili ng supplier ng kuryente.

Giit naman ng Ombudsman, malinaw na hindi naprotektahan ng mga Commissioner ang interes ng mga consumer.

Matatandaan na noong isang taon ay nanawagan mismo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng ERC na magbitiw na sa tungkulin dahil sa ilang anomalya sa loob ng komisyon.

Facebook Comments