PINABABAWI | Maling balita ng Rappler tungkol kay Michael Yan, pinatatama ng Malacañang

Manila, Philippines – Pinababawi at ipinatatama ng Palasyo ng Malacañang sa Rappler ang kanilang inilabas na news item na iniugnay umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang mayamang Chinese na sinasabing may kaugnayan sa iligal na droga sa Ambassador ng China dito sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, maselan ang issue dahil hindi maganda ang magiging epekto nito sa diplomatic relations ng Pilipinas at China kung hindi babawiin ng Rappler ang kanilang artikulo.

Sinabi ni Roque na malinaw na malinaw sa sinabi ni Pangulong Duterte na walang kaugnayan ang si Yang sa operasyon ng iligal na droga dahil kilala ito sa China at kabilang pa ito sa entourage nang bumisita ang Chinese Premier dito sa Pilipinas.


Sa briefing ay nagpadala din ng tanong ang Rappler sa briefing sa Malacañang pero tumanggi si Roque na sagutin ito hanggang hindi aniya itinatama ang ang istorya na kanilang inilabas.

Facebook Comments