Manila, Philippines – Dumulog sa Court of Appeals (CA) ang online news site na Rappler matapos ikansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang certificate of incorporation nito.
Sa kanilang petition for review, hiniling ng Rappler Holdings Corporation (RHC) na ipawalang bisa ang kautusan ng SEC en banc na i-revoke ang certificate of incorporation ng RHC.
Hindi naman humingi ng Temporary Restraining Order o TRO ang Rappler dahil na rin sa naging pahayag ng SEC sa isang panayam na hindi pa naman pinal ang kanilang desisyon.
Matatandaang binawi ng SEC ang binigay nitong certificate of incorporation makaraang mapatunayan ng SEC na nilabag ng Rappler ang Article 16 Section 11 ng paragraph 1 ng Konstitusyon na nagsasaad na ang mass media ay kailangang 100% na pagmamayari ng Pilipino.