Manila, Philippines – Inirekomenda ni COOP-NATCCO Rep. Anthony Bravo na magbigay ng transition period sa implementasyon ng cash based budgeting system.
Paliwanag ni Bravo, hindi pa naman batas ang Budget Reform Bill kaya hindi pa dapat ipinapatupad ng DBM ang bagong budget system.
Naniniwala si Bravo na win-win solution kung bibigyan ng sapat na panahon ng 2 hanggang 3 taon bago ipatupad ang cash based budgeting system upang maka-adjust dito ang pamahalaan.
Marami aniyang ahensya ang umaaray sa bagong sistema ng national budget dahil malaki ang ibinawas sa kanilang mga pondo sa 2019.
Iminungkahi naman ni Buhay Party list Rep. Lito Atienza na pairalin ng Kongreso ang oversight functions nito sa 2019 budget.
Paalala naman ni Minority Leader Danilo Suarez sa Department of Budget and Management, nasa Kongreso pa rin ang “power of the purse”.