ASIAN GAMES | Jordan Clarkson, hindi muna makakalaro sa Philippine Basketball team kontra Kazakhstan

Hindi muna sasabay sa debut game ng Philippine Men’s Basketball team sa Asian games ang Fil-Am NBA Guard na si Jordan Clarkson.

Alas 10:00 kasi ng umaga bukas, oras sa Jakarta, nakatakdang dumating sa Indonesia si Clarkson na eksaktong oras ng laro ng Pilipinas kontra Kazakhstan.

Pero tiniyak ni Philippine Olympic Committee (POC) Executive Secretary Patrick Gregorio na makakasama na ng national team si Clarkson sa sunod nitong laro kontra China sa August 21.


Una rito, binigyan ng one-time exception ng NBA sina Clarkson at dalawa pang Chinese players para maglaro sa kani-kanilang team sa Asiad.

Facebook Comments