PINABILIS | Pagtatayo ng negosyo sa Quezon City, pinadali; One-stop shop for construction permit, operational na

Manila, Philippines – Pinadali na o aabutin na lamang ng limang araw ang dating dalawampu’t dalawang araw na proseso para makapagpatayo ng bagong estruktura at negosyo sa Quezon City.

Ito ay kasunod ng pormal na paglulunsad ng one-stop shop for business sa lungsod na pinangunahan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, DILG Undersecretary Austere Panadero.

Ayon kay Mayor Bautista, tugon ito ng Q.C sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang mahabang pila at pabilisin ang lahat ng transaksyon sa gobyerno.


At dahil ‘all in one’ service ang hatid ng ‘one-stop shop’ maging ang Meralco para sa power meter application ng itatayong estruktura ay dinala na rin sa iisang lugar at hindi na palipat-lipat pa ng iba’t-ibang opisina ang isang business applicant.

Sabi ni Bistek, umaabot na sa dalawang libo pitong daang new businesses ang nai-rehistro sa ilalim ng bagong konsepto mula nang umarangkada ang soft opening nito noong kalagitnaan ng nakalipas na buwan ng Enero.

Facebook Comments