PINABORAN | Ireland, pumabor na ibalik ang Abortion

Pinaboran ng Ireland na amyendahan ang kanilang konstitusyon na payagan ang abortion.

Batay sa kanilang Referendum Commission, 66.4% ang bumotong pabor na ibalik ang abortion habang 33.6% ang kumontra.

Ayon kay Irish Prime Minister Leo Varadkar – makasaysayan ang araw na ito para sa ireland kung saan nangyari ang ‘Quiet Revolution’ na maituturing na isang Great Act of Democracy.


Tanging isang probinsya lang sa ireland ang bumotong tutol sa pag-amyenda, ito ay ang relihiyoso at konserbatibong lalawigan ng donegal.

Facebook Comments