MAGTUTULUNGAN | South Korean Pres. Moon Jae-in at North Korean Leader kim Jong-un, nag-surprse meeting

Nagsagawa ng surprise meeting si South Korean President Moon Jae-In kay North Korean Leader Kim Jong-un.

Hakbang ito para matuloy at maging matagumpay ang gagawing summit ng Estados Unidos at North Korea.

Tinalakay sa pagpupulong ang pagtutulungan ng Korean countries sa pagsusulong ng nuclear-free Korean Peninsula at para gawing pormal ang pagtatapos ng Korean War.


Bagamat, walang tugon ang White House hinggil dito, nakatakdang tumungo sa Singapore ang kanilang advance team at U.S. state Department Officials para paghandaan ang posibleng summit kasama ang mga North Korean Officials.

Facebook Comments