PINABULAANAN | Abogado na itinalaga ni CJ Sereno na aralin ang survivorship benefits, itinanggi ang mga paratang ni Gadon

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ng head ng Technical Working Group ng Special Committee on Retirement Atty. Jocelyn Fabian ang mga paratang ni Atty. Larry Gadon laban sa kanya.

Mababatid na sa mga naunang pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, sinabi ni Gadon na pumili si Sereno ng mangunguna sa TWG sa ilalim ng nabanggit na special committee ng isang abogado na walang alam at sapat na experience para sa mataas na posisyon.

Sinabi din ni Gadon na personal na magkakilala sina Sereno at Fabian kaya ito nakapasok sa Korte Suprema bukod pa sa iisa ang pananampalataya ng dalawa at magkasama pa sa kanilang church.


Pero, itinanggi ni Fabian ang mga paratang na ito ni Gadon sa muling pagpapatuloy ng pagdinig sa probable cause sa impeachment ni Sereno.

Aniya, hindi niya personal na kakilala si Sereno, hindi rin sila malapit na magkaibigan, at hindi sila magkasama sa iisang church bagamat pareho umano sila ng faith na Born-Again Christian.

Pinasinungalingan din nito na si Sereno ang nagpasok sa kanya sa Supreme Court.

Giit nito, dumaan siya sa proseso ng pag-a-apply sa Korte Suprema, kung saan dumaan siya sa interview at natanggap siya sa trabaho.

Facebook Comments