Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Liberal Party o LP President Senator Kiko Pangilinan ang akusasyon na kasabwat ito sa nilulutong destabilisasyon laban sa administrasyong Duterte.
Tugon ito ni Pangilinan sa ibinunyag ni Pangulong Duterte na intelligence report na ibinigay ng ibang bansa na mayroong destabilization plot ang grupong Magdalo, komunistang grupo at mga kritiko ng administrasyon tulad ng LP.
Diin ni Pangilinan, madali lang mag-imbento ng intelligence report.
Ayon kay Pangilinan, hindi na nakakagulat na muli silang pagbintangan sa gitna ng kapalpakang nagaganap sa pamahalaan ngayon.
Tinukoy din ni Pangilnan ang napabalitang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang destabilisasyong pinaplano ang oposisyon.
Tiwala si Pangilinan, na alam ng taumbayan ang katotohanan at ang mga tunay na mga problemang kinakaharap ngayon ng bansa.